Hajimemaste!
MOUSE EXERCISE PARA SA MGA BAGITO
Mga layunin sa pagaaral
Upang mabigyan ng panimulang aralin at pagsasanay sa pag-gamit ng mouse
Matutunan ang mga iba't ibang mouse functions
Mabigyan ng sapat familiarization at confidence ang mag-aaral sa pag-gamit ng computer
|
MABUHAY! TULOY PO KAYO!
SA ARAL COMPUTER
UNANG BAHAGI:MOUSE EXERCISE!
I-click ang numero 2 na may underline sa ibaba. Kung papaano, sundin ang mga sumusunod
- Ilapat ang kamay sa lamesa sa harap ng mouse.
- Hawakan ang mouse sa pagitan ng daliring hinlalaki at palasingsingan.
- Gamitin ang hinlalaki at palasingsingan upang igalaw ang arrow-tip ng mouse at ilagay sa ibabaw ng numero dos na underlined.
i-click i2 >>> 2 <<<i-click i2
- Kapag ang arrow ay naging pointed finger,
i-steady ang pagkahawak sa mouse
.
- Dahan-dahang i-click ang left side mouse button gamit ang point finger.
- Ang mouse ay may dalawang button, ang left at right button.
- Kung may lumabas na pop-up menu, ang napindot ay ang right button at mananatili lamang sa numero dos.
- Palaging tandaan, ang kaliwang mouse button lamang ang nagbibigay utos at ang right mouse button ay para lamang sa pop-up menu
- Ang banayad na pagdiin sa mouse button ay mas mahusay at mas epektibo.
Ituloy ang pagsubok.
GAMBARIMASHOO!
|